Haaay, ano ba naman ito, kuya...talagang minamalas ako nitong linggong ito. Panay tigil itong operation at di na normal tong pangaraw-araw na buhay ko. Magmula kahapon hanggang ngayun, panay palya ang isang "frequency drive" dito at di ko pa makita ang dahilan. Matindi na ang pressure ng mga big boss at di na sila nasisiyahan. Dalawang gabi na akong di natutulog dahil dito sa bwakang na problema. Pag electrical ang issue o dahilan ng isang "trouble", napakahirap hanapin ang pinagmulan...buti sana kung sunog ang isang control card, at least kita mo na...papalitan mo na lang, pero wala eh, basta na lang titirik...buset talaga.
Pasensya na sa mga magaspang na salita, habang sinusulat ko to, pinapahinga ko lang ang utak ko na ewan kung me laman pa o puno na ng kalituhan. Naisulat ko na nga lang itong pakiramdam ko para maibsan naman at pagbalik ko mamaya dun sa problema kong drive, medyo maluwag uli sa dibdib.
Isa pa nga..."Cooking ng ina"...agrrr!
Alas dos y medya na ng umaga...tulog na ang nga angel samantalang narito pa rin ako sa trabaho pero di ko naman aayawan ito. Ika nga, ang umaayaw, di nagwawagi. Kaya ko 'to...sabi nga nung isang reteradong boss ko dati..."kaya mo yan, gawa lang ng tao yan!". Sige!
No comments:
Post a Comment